Logifem, isang kanlungan para sa kababaihang nahihirapan
Kung nakakaranas ka ng kahirapan at naghahanap ng kanlungan at suporta para makaraos, huwag mag-atubiling tawagan kami sa 514-939-3172.
Ano ang Logifem?
Ang Logifem ay nagbibigay ng kanlungan at suporta sa mga kababaihan na mayroon at walang anak sa Montreal.
Ang pangunahin naming tirahan ay may 14 na pribadong kuwarto para sa kababaihan at anim na mas malaking kuwarto para mapatuloy ang kababaihan na may mga anak. May mga nakabahaging mga banyo at nakabahaging lugar. Ang pinakamahabang pananatili ay isang taon.
Mayroon din tayong 13 transisyonal na apartment, anim ang nakareserba para sa mga dalagang ina. Ang pinakamahabang pananatili ay tatlong taon. Nagbabayad ang kababaihan ng 25% ng kita nila bilang upa at dapat ay may proyekto para sa muling integrasyon sa lipunan, kasama ang propesyonal o pagbabalik sa paaralan na proyekto. Karaniwang kailangang matapos ang unang tirahan para magkaroon ng akses sa apartment.
Para kanino?
Tinatanggap ng Logifem ang lahat ng kababaihan, anuman ang kahirapan nila, kanilang katayuan, kanilang pinagmulan o ang wikang sinasalita nila. Subalit, dapat nilang matugunan ang sumusunod na pamantayan:
- Nasa pagitan ng 18 at 65 taong gulang.
- Pisikal na nakakagamit ng hagdan papunta sa ikatlong palapag at magsagawa ng iba’t ibang gawaing nakatalaga sa mga residente bawat linggo: maghugas ng pinggan, linisin ang isa sa mga banyo, atbp.
- Mabayaran ang buwanang kontribusyon na sumasaklaw sa lahat ng pagkain at akses sa washing machine, dryer, telebisyon at computer:
- 400 $ para sa single room
- 50 $ bawat bata na anim na buwan o mas matanda
- (May posibilidad ng pagsasagawa ng pag-aayos sa pagbabayad kung may pansamantala kang pinansiyal na limitasyon, mangyaring makipag-ugnay sa sumasalubong na kawani para talakayin ang sitwasyon mo).
- Sa kaso ng problema sa pagkalulong sa droga o alak, magkaroon ng follow-up / therapy.
- Inumin ang anumang gamot ayon sa nireseta (ang gamot at ilalagay sa tanggapan ng interbensiyon).
- Pumayag na magkaroon ng saykososyal na follow-up ng worker.
- Ipangako ang sarili mong respetuhin ang mga patakaran ng bahay.
- May mga anak na 12 taong gulang o mas bata.
Sinusubukan naming ipaalam ang mahahalaga sa babaeng hino-host anuman ang nasasalita nilang wika at maaari kaming tumawag ng mga tagapagsaling-wika kung kailangan. Subalit, makakapangako lang kami ng mga serbisyo sa Pranses at Ingles. Ang ilan sa mga mananalita namin ay nagsasalita ng mga ibang wika (Kreyol, Arabo, Espanyol, Italyano, Linggala).
Sino ang tinutulungan namin?
Matutulungan ka ng Logifem kung nabubuhay ka sa mahirap na sitwasyon sa paghahandog ng ligtas na lugar na titirhan, isang pribadong kuwarto, tatlong pagkain kada araw at tatlong meryenda, kuwarto ng labada at internet akses.
Higit pa sa tugon sa mga pangangailangang materyal mo, nagbibigay ang Logifem ng saykososyal na pagsubaybay para sa lahat ng na-host na kababaihan. Sa pagdating mo, babatiin ka ng saykososyalna trabahador na susuporta sa iyo at sasamahan ka sa kabuuan ng pananatili mo. Bawat linggo, magkikita kayo ng mga 45 minuto ng worker na ito. Susubukan ka niyang suportahang makamit ang mga layunin na ikaw mismo ang tutukoy. Ang tulong na ito ay maisasalin sa nakatuong pakikinig, suporta, impormasyon, suporta sa ilang mga pamamaraan at mga pagsangguni sa mga ibang kapaki-pakinabang na dulugan.
Testimonya ng residente: “Sa Logifem, tutulungan ka namin at ipapakita sa iyo kung gaano kaganda ang buhay, na narito kami upang sumulong, hindi magmukmok sa nakaraan at sa mga problema. Kung narito kami, ito ay para isantabi sila at ayusin ito nang paisa-isa, paunti-unit pero tiyak”.
Saan?
Ang Logifem ay isang kanlungan na nasa southwestern na rehiyon ng Montreal malapit sa istasyon ng metro. Hindi namin inilalagay ang address sa websayt para maitaguyod ang seguridad ng lugar. Ang eksaktong lokasyon ay ipaaalam sa babae kapag natanggap na siya bilang residente.
Ano ang mga hakbang para tumira doon?
- Tumawag sa Logifem sa 514-939-3172. Bukas kami 24 oras bawat arae, 7 araw bawat linggo. Iimbitahan ka namin sa aming susunod na sesyon ng impormasyon. Kung kailangan mo agad ng kanlungan, maaari ka naming idirekta sa angkop na mga dulugan.
- Dumalo sa pulong ng impormasyon: Kung gusto mong manatili sa Logifem, pumunta at sumali sa sesyon ng impormasyon, na karaniwang nagaganap kapag Marter ng hapon, para malaman pa ang mga serbisyong nilalaan. Ang mga kababaihang interesado sa Logifem ay makakatawag sa kanila at punan ang form ng aplikasyon at talakayin ang kanilang sitwasyon sa aming sumasalubong na kawani.
- Manatiling nakikipag-ugnay: Pagkatapos, ang pangkat ng trabaho ay sisiguro na ang Logifem ay ang tamang dulugan para sa iyo. Posible na may panahon ng paghihintay bago magkaroon ng kuwarto (sumasaklaw mula sa ilang araw hanggang ilang buwan). Mahalagang tumawag tuwing linggo para i-renew ang interes mo. Kokontakin ka ng sumasalubong na kawani kapag may kuwarto na at tatalakayin ang mga panghuling detalye sa iyo.
Gaano katagal?
Maaari kang manatili sa kanlungan ng hanggang isang taon.
Mayroon din kaming mga transisyonal na apartment na, kapag available, ar nilalaan sa mga kababaihang dati nang nanatili sa Logifem. Ang upa ay 25% ng kita at ang kababaihan ay maaaring manatili doon ng hanggang tatlong taon. Dapat ay mayroon kang permanenteng residente o pagkamamamayang katayuan at matugunan ang ibang pamantayan ng Tanggapan ng Pabahay ng Munisipyo ng Montreal para magkaroon ng akses.
Para sa lahat ng mga tanong
Huwag mag-atubiling tawagan kami at kausapin ang isa sa mga namamagitan kung kailangan mo ng paglilinaw o kung may mga tanong ka sa 514-939-3172.
Mga ibang kapakipakinabang na dulugan
Narito ang ilang numero ng telepono at websayt na maaaring kapakipakinabang para sa iyo.
PANLIPUNANG IMPORMASYON 811
Ang Panlipunang-Impormasyon 811 ay isang libre at kumpidensiyal na serbisyong konsultasyon sa telepono.
Idayal ang 8-1-1, pinakakilala para sa pagtugon sa mga pisikal na alalahanin sa kalusugan. Ginagawang posible din ng numerong ito na mabilisang maabot ang propesyonal na saykososyal na interbensiyon sakaling may saykososyal na problema. Magagamit ang serbisyo 24 oras bawat araw, 365 araw bawat taon. Narito ang ilang halimbawa ng mga sitwasyon kung saan ka makakatawag sa Panlipunang-Impormasyon 811:
- Dumaraan ka sa sitwasyon na ikaw ay nababalisa.
- May inaalala ka tungkol sa mahal sa buhay.
- Nakakaranas ka ng hirap sa pamilya mo o kapareha mo.
- Nagluluksa ka.
- May mga tanong ka tungkol sa mga ibang sitwasyon o asal na nag-aalala ka.
Sentro ng Pagsangguni ng Kalakhang Montreal (2-1-1)
Ang Sentro ng Pagsangguni ng Kalakhang Montreal ay parang direktoryo ng lahat ng serbisyo ng komunidad at publiko ng Montreal. Makakatawag ka nang libre sa pag-dial ng 2-1-1 o pagbisita sa kanilang websayt para makahanap ng mga organisasyon na makakatulong sa iyo sa iyong mga kahirapan. Ang mga serbisyo ay hinahandog sa Pranses at Ingles.
ES-O-ES KARAHANAN SA TAHANAN
Kung nakaranas ka ng karahasan mula sa kapareha mo
Tumawag sa Es-O-ES karahasan sa tahanan – 1 800 363-9010 o pumunta sa kanilang websayt:
Ang Panangga ni Atina
Ang Ang Panangga ni Atina ay nagbibigay ng propesyonal na suporta, pamamagitan at prebensiyong serbisyo na nakaayon sa kultura at wika sa mga pangangailangan ng kababaihan na mga biktima ng karahasan sa tahanan at para sa kanilang mga anak, pati na ang mga miyembro ng mga ethnokultural na komunidad. Ang mga serbisyo ng maramihang wika ay hinahandog ng mga propesyonal na panlipunang trabahador, tinulungan ng mga pangkulturang tagapamagitan na sinanay para sa layunin na ito sa aming mga tanggapan sa Laval at Montreal. Ang silungan namin ay nagbibigay ng 24/7 na pang-emerhensiyang serbisyo sa kanlungan at kapaligirang pang-rehabilitasyon para sa kababaihan at mga bata na mga biktima ng karahasan sa tahanan.
Websayt: http://shieldofathena.com/
Telepono: 1-877-274-8117
Ang maramihang wikang impormasyong linya ay matatawagan din:
Maramihang wikang impormasyong linya ng Panangga sa seksuwal na karahasan at mga dulugan
514-270-2900 (Montreal)
450-688-2117 (Laval)
IMPORMASYON SA MGA KARAPATAN
Mga pulyeto ng impormasyon sa ligal na tulong, panlipunang tulong, edukasyon, pamilya, trabaho, pabahay, kalusugan, seguro sa trabaho, atbp. ay makukuha sa
- Pranses
- Ingles
- Arabo
- Pinasimpleng Intsik
- Kreyol
- Espanyol
Sa sumusunod na websayt na ugnay:
Mga pangkomunidad na organisasyong tumutulong sa mga imigrante
Narito ang listahan ng ilang dulugan sa komunidad na sumusuporta sa mga imigrante
Ahuntsic-Cartierville
Sentro ng Tulong ng Bagong Salta (CANA) – (514) 382-0735
Sentro ng Suporta sa Mga Komunidad ng Imigrante ng Bordeyayu-Karterbil (CACI) – (514) 856-3511
Bahay ng CACI – (514) 856-3511
Serbisyo ng Komunidad para sa Mga Tumakas at Mga Imigrante – (514) 387-4477
Samahan ng Tumutulong sa Imigranteng Mula sa Gitnang Silangan (SAIMOC) – (514) 332-4222
Anjou
Adyu Solidaridad ng Karepor – (514) 355-4417
Côte-des-Neiges- Notre-Dame-de- Grâce
Samahan sa Pagsalubong at Integrasyon ng Mga Imigrante (ALAC) – (514) 737-3642
Welcam sa Notre-Dame-de-Grace: Sinasalubong ang Mga Bagong Salta – (514) 561-5850
Peme du monde a Kote-des-Neyges – (514) 735-9027
Promosyon Integrasyon Bagong Lipunan (PROMIS) – (514) 345-1615
Imigrante (SIARI) – (514) 738-4763
LaSalle
Welcam sa Mga Imigrante at Tumakas ng Timog Kanlurang Montreal / Sentro ng PRISME (AIRSOM / PRISME) – (514) 364-0939
Mercier-Hochelaga-Maisonneuve
Welcam Layason para sa Mga Bagong Salta (ALPA) – (514) 255-3900
Montréal-Nord
Maramihang Etnikong Sentro ng Komunidad ng Montreal-Hilaga – (514) 329-5044
Pierrefonds-Roxboro
Kanlurang Islang Maramihang Serbisyong Integrasyong Sentro (CIMOI) – (514) 693-1000
Plateau-Mont-Royal
Sentro ng Komunidad ng Mga Kababaihang Taga-Timog Asya (CCFSA) – (514) 528-8812
Tahanan ng Mundo – (514) 903-9739
Hirondele, Serbisyo ng Pagwelkam at Integrasyon – (514) 281-2038
Rosemont- La Petite-Patrie
Maramihang Etnikong Samahan para sa Integrasyon ng Mga May Kapansanang Tao ng Quebec (AMEIPHQ) – (514) 272-0680
Alpa Santa-Ana Sentro (CASA) – (514) 278-3715
Para-legal at Panlipunang Oryentasyong Sentro para sa Mga Imigrante (COPSI) – (514) 729-7098
N A Ribe Sentro ng Montreal – (514) 278-2157
Sama-sama ng mga Babae sa Imigrante sa Quebec (CFIQ) – (514) 279-4246
Komite ng Tulong sa Tumakas (CAR) – (514) 272-6060
Ang Maysoni, Welcam Integrasyong Pagtatrabaho – (514) 271-3533
Interbensiyong Network para sa Mga Taong Nakakaranas ng Organisadong Karahasan (RIVO) – (514) 282-0661
Serbisyong Edukasyon at Iba’t ibang Kulturang Integrasyon (SEIIM) – (514) 660-5908
Saint-Laurent
Sentro ng Komunidad ng Bon Tapang sa Lugar Benwa (CCBC) – (514) 744-0897
Sentro ng Welcam at Panlipunan at Ekonomikong Sangguniang Para sa Mga Imigrante (CARI St-Laurent) – (514) 748-2007
Saint-Léonard
Welcam sa mga imigrante mula sa Silangang Montreal (AIEM) – (514) 723-4939
Sud-Ouest
Komite ng Edukasyon ng Matanda ng Maliit ng Burgundi at San Henri (CÉDA) – (514) 596-4422
Panlipunang Sentro para sa Tulong sa Imigrante (CSAI) – (514) 932-2953
Verdun
Lugar ng Aprika ng Kanada (CHAFRIC) – (514) 767-6200
Ville-Marie
Pagkilos ng Mga Tumakas sa Montreal (ARM) – (514) 935-7799
Mga Dulugan ng Iba’t ibang Kultura sa Karepor (CRIC) – (514) 525-2778
Sentro ng Aprika – (514) 843-4019
Susi sa Integrasyon ng Trabaho ng Mga Imigrante (CITIM) – (514) 987-1759
Serbisyo sa Pamilyang Intsik ng Kinalakhang Montreal (SFCGM) – (514) 861-5244
Villeray-Saint-Michel-Parc-Extension
Layason at Maramihang Etnikong Tulong ng Karepor (CLAM) – (514) 271-8207
Tahanan ng Hayti – (514) 326-3022
Mga Maliliit na Kamay (Mga petit meyn) – (514) 738-8989